Jessica bumirit ng I Don’t Want To Miss A Thing sa AI

SA IKALAWANG round para sa personal choice category ng performance night ng American Idol ngayon, ay bumirit ng I Don’t Want To Miss A Thing si Jessica Sanchez at nakakuha siya ng standing ovation mula kay Idol judge Steven Tyler.

Sa kanyang performance, sinabayan si Jessica ng orchestra katulad sa original version nito ng bandang Aerosmith ni Steven Tyler. Mapapansin sa dulong birit ni Jessica ng kanta ay halos katulad ng version ng Asia’s Song Bird Regine Velasquez.

Ang naturang kanta ay ilang beses nang nirevive ng iba’t ibang artist mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa Pilipinas ang birit version nina Regine, Soul Siren Nina at Angeline Quinto ang pinakasikat at madalas na gamiting piyesa sa mga singing contest sa telebisyon.

Samantala, personal choice naman ni Joshua Ledet ang “Imagine” ng legendary singer na si John Lennon habang “Disease” ng Matchbox 20 ang pinili ni Phillip Phillips.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply