Jessica muling bumirit sa I Will Always Love You

MULING bumirit sa I Will Always Love You ang Pinay pride na si Jessica Sanchez.

Ang nasabing performance kasi na iyon ni Jessica ang itinuturing na pinaka-tumatak na “Idol Moment” ng dalagitan.

Suot muli ang kulay asul na gown ay walang kahirap-hirap na tinamaan ni Jessica ang high notes ng pamosong kata ni Whitney Houston.

Pagkatapos nito nag-perform naman ang dating mga lalaking Idol hopeful na kinabibilangan nina Colton, Heejun, Deandre at Joshua. Umawit rin sila kasama si Neil Diamond.

Sunod namang nagpamalas ng kanyang husay sa stage ang Idol judge na si Jennifer Lopez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply