Jessica Sanchez abante sa top 3 ng American Idol season 11

ABANTE na sa top 3 ng American Idol season 11 ang Filipino-American na si Jessica Sanchez matapos na makalusot sa elimination round ngayong umaga (gabi sa America).

Kahapon sa performance night, napabilib ni Jessica ang Idol judges sa kanyang rendition ng Steal Away ni Etta Jones at nakakuha muli ng standing ovation sa version niya ng And I’m Telling You I’m Not Going ni Jennifer Holliday.

Tuluyan namang napauwi si Hollie Cavanagh na siyang nakakuha ng pinakamababang boto.

Nakasama ni Cavanagh sa bottom 2 si Phillip Phillips.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabilang si Phillips sa bottom list.

Sa kasaysayan naman ng American Idol, kung tuluyang makapasok si Jessica sa final stage next week mauungusan na niya ang kapawa Fil-Am na si Jasmine Trias na umabot hanggang sa top 3 ng American Idol season 3.

Top 3 finalists:

1. Jessica Sanchez
2. Joshua Ledet
3. Phillip Phillips

Sino kaya sa tatlo ang magpapatuloy sa final stage at sino ang pauuwiin?

Abangan sa susunod na linggo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply