Jessica Sanchez at Jennifer Holliday nagbiritan sa AI finale

DREAM come true para kay Pinay pride Jessica Sanchez ang duweto nila ni Jennifer Hillday na And I Am Telling You I’m Not Going sa season finale ng American Idol.

Hindi nagpahuli ang young singer sa beterano at original singer ng nasabing kanta.

Di pa man natatapos ang kanta ay nakatayo na sina Idol judge Randy Jackson at Jennifer Lopez.

Maging ang mga manonood sa loob ng Nokia Theater ay napatayo rin sa nasabing performance ng dalawa.

Magugunitang inawit ni Jessica sa kompetisyon ang naturang kanta at nagustuhan ni Holliday.

Kagabi (Manila time) nag-tweet pa si Holliday at sinabi na excited siya sa duet nila ni Jessica.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply