Jessica Sanchez hinikayat bomoto sa Pinas

HINIKAYAT ng isang Commission on Elections (Comelec) official ang Fil-Am na si Jessica Sanchez na magparehistro bilang Overseas Absentee Voter (OAV) pagsapit ng edad na 18 para makaboto sa 2016 elections sa Pilipinas.

Ito’y bunsod na rin ng maraming botong natanggap ni Jessica mula sa mga Pinoy para manalo bilang susunod na American Idol (AI).

“Go Jessica! Then when you turn eighteen, pa-register ka as an Overseas Absentee Voter, ha,” tweet ni Comelec Spokesman James Arthur Jimenez.

Matatandaang simula pa lamang ng laban ay marami nang Pinoy ang sumusuporta kay Jessica sa kanyang hangaring maging susunod na American Idol.

Laking tuwa ng mga Pinoy matapos na makapasok si Jessica sa Top 2 finalists ng AI nitong Biyernes.

Sa ngayon ay ito na ang pinakamataas na nakuha ng isang kalahok na Pinoy sa naturang popular na talent show.

Ayon sa Comelec, lahat ng mamamayan ng Pilipinas, kahit nasa ibang bansa pa at hindi naman diskuwalipikadong bumoto ay maaring bumoto pagsapit ng 18-anyos.

Si Jessica ay anak ng Pinay na si Editha, na anak naman ni Eddie Bugay, retiradong US Navy na ipinanganak sa Samal, pero nakabase sa Orani, Bataan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply