Jessica Sanchez kinanta ang ‘My All’ ni Mariah Carey sa AI

UNANG inawit ngayon ni Jessica Sanchez ang pamosong kanta ni Miriah Carey na My All para sa judges choice category ng performance night ng American Idol season 11.

Suot ang violet long gown suwabe ang pagkakaawit ng 16-anyos na Pinay-American-Mexican.

Samantala inawit naman ni Phillip Phillips para sa nasabing kategorya ay ang kantang “Beggin” ni Macdan habang si Joshua Ledet ay ang I’d rather go blind ni Etta Jones.

Muling umani ng papuri si Jessica sa mga idol judge na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez and Steven Tyler. Bagay anila ang nasabing Mariah Carey hit song sa boses ni Jessica.

Maganda rin ang naging komento kina Joshua at Phillip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply