Jessica Sanchez pasok sa AI top 4

NAKALUSOT sa eliminasyon at abante na sa Top 4 ang Filipino-American na si Jessica Sanchez sa nagpapatuloy na season 11 ng American Idol.

Unang tinawag para sa safe zone ay ang biriterong si Joshua Ledet na sinundan naman ng guwapong si Phillip Phillips.

Nakahinga naman nang maluwag ang mga fans ni Jessica nang siya ang sunod na tawagin sa safe zone.

Tuluyan namang napauwi ang 18-anyos at tinaguriang country crooner si Skylar Laine ng Brandon, Mississippi.

Nakasama niya sa “bottom 2” ang bokalista na nagmula sa McKinney, Texas na si Hollie Cavanaugh, 18.

Apat na lang ang natitira sa ating mga Idol hopefuls, sino kaya ang tatanghaling American Idol Season 11 winner?

Aabangan natin yan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply