Jessica Sanchez pasok na sa American Idol finale

PASOK na si Filipino-American-Mexican Jessica Sanchez sa finale ng American Idol season 11.

Makakalaban niya ang crowd favorite na si Phillip Phillips.

Laglag naman si Joshua Ledet na nakakuha ng pinakamababang boto.

Bago ang eliminasyon ay isa-isang in-evaluate ang top 3 finalist ng Idol mentor na si Jimmy Iovine.

Mapapanood ang season 11 finale ng American Idol sa susunod na linggo.

Kahapon nabigyan ng standing ovation ni Idol judge Steven Tyler ang 16-anyos na Pinay nang awitin niya ang I Don’t Want To Miss A Thing (para sa contestant choice) ng bandang Aerosmith, na mismong si Tyler ang front-man.

Nakakuha rin ng standing ovation mula sa 3 Idol judge si Phillip Phillips ng awitin niya sa round 3 (mentor’s choice) ang “We’ve Got Tonight.” Ang nasabing kanta ang kauna-unahang ballad na kinanta ni Phillips sa patimpalak.

Samantala, si Jessica na ang Pinoy na pinakamalayo ang narating sa American Idol. Nalampasan na niya ang naabot ng half Pinay na si Jasmine Trias na nakaabot sa Idol top 3.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply