Jessica Sanchez posibleng kumanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa laban ni Pacman

POSIBLENG kunin ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Filipino-Mexican-American finalist sa American Idol Season 11 na si Jessica Sanchez para kumanta ng “Lupang Hinirang” sa kanyang laban kay Timothy Bradley sa Hunyo.

Ito ay dahil bilib aniya si Pacman sa husay sa pagkanta ni Sanchez na ngayon ay nasa Top 5 na ng American Idol.

Una nang napaulat na may napili na si Pacman na kakanta ng “Lupang Hinirang” sa laban nila ni Bradley sa katauhan ng 14-anyos na New York-based Pinay na si Kirby Asunto.

Ito’y ayon mismo kay Asunto na kumanta na noon sa concert ni Pacquiao.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply