Jinggoy kay Keh: Sinungaling ka

SINUNGALING ka.

Ito ang sinabi ni Senator-judge Jinggoy Estrada sa testigong si Harvey Keh matapos na itanggi nito na sinadya niyang magsama ng media noong dalhin niya sa opisina ng Senate president ang ilang anonymous documents na pinagbasehan nila ng reklamo laban kay Chief Justice Renato Corona.

Makailang ulit na tinanong ni Sen. Estrada si Keh kung sino ang kinontak niya para i-cover ang pagdadala niya ng nasabing dokumento sa tanggapan ng Senate president ngunit iginiit ni Keh na wala.

Sa huli ay napaamin din ng senator-judge si Keh na totoong mayroon siyang pinapuntang media at sinabi na isang taga-Abante at isang Kristina Dumlao ng Inquirer ang kanyang kinontak.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply