Joe Jonas nasa Pilipinas!

MAGANDANG balita para sa mga fans ni Joe Jonas dahil narito ngayon ang guwapong lead vocalist na bandang Jonas Brothers sa Pilipinas.

Kaninang alas-6:00 ng umaga dumating si Joe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nasa bansa si Joe para sa ieendorso niyang local apparel brand.

Bukod dito, nakatakda rin siyang magsagawa ng mall shows para sa kanyang mga fans sa Metro Manila at Cebu.

Ang singer-actor ay sumikat sa pelikulang Camp Rock 1 and 2 kung saan nakatambal niya ang dating real love sweetheart na si Demi Lovato.

Kabilang sa mga kantang pinasikat ng kanyang grupo ay ang “When You Look Me In The Eyes,” “Tonight,” “S.O.S” at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply