Julaton, Villanueva lalaban bukas

KAPWA lalaban bukas (Mayo 6, petsa sa Pinas) sa magkahiwalay na venue ang mga pambato ng Pilipinas na sina Ana Julaton at Lorenzo Villanueva.

Si Julaton ay nakatakdang humarap kay KO artist Yolanda Segura sa Mexico.

Sa isinagawang weigh-in ngayon, si Julaton ay tumimbang ng 126 lbs. habang si Segura ay 134lbs.

Kahit overweight ay lalaban pa rin ang Pinay champ ngunit tatanggap ito ng 25% mula sa premyo ng kalaban.

Samantala, para sa IBO Featherweight World Championship, makikipagbangasan kay Daud Yordan, 125.6, ang isa pang Filipino pride na si Villanueva, 125.4, sa Singapore.

Ang laban ni Villanueva ay undercard ng WBA World Featherweight Championship ng Chris John (125.8) vs Shoji Kimura (125.4).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply