Junkshop owner binaril ng nagpanggap na kustomer

TODAS ang isang junkshop owner matapos itong barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin nang magpanggap na costumer sa loob ng shop ng una sa Governor Pascual Ave., Catmon, Malabon City kaninang umaga.

Hindi na umabot na buhay sa MCU hospital sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa dibdib si Ernesto Gulfo, y. Corpuz, 52, may asawa, ng  Brgy. Catmon ng nasabing lungsod,

Mabilis namang tumakas ang di pa nakikilalang gunman na naka-suot ng maong jacket at maong na pantalon, naka sombrero, nasa pagitan ng  30-32  anyos at may katamtamang pangangatawan.

Ayon sa ulat, dakong alas 7:30 kaninang umaga ng malapitang barilin ang biktima sa loob ng kanyang junkshop.

Nagkunwaring mga costumer ang suspek at nagtanong sa una kung magkano ang presyo ng kilo ng tanzo.  Pero lingid sa kalaman ng biktima biglang kinuha ang baril nito sa bagpack at malapitang binaril sa dibdib.

Nakarekober ng otoridad sa pinangyarihan ang dalawang empty shell ng kalibre 45 na ginamit ng salarin ,

Patuloy na inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply