K+12 dapat suportahan ng mga magulang

UMAASA ang Malakanyang na susuportahan din ng mga magulang na isinusuka ang K+12 program, ang bagong inisyatiba na naglalayong pagandahin at ayusin pa ang sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na naiintindihan naman nila ang reaksyon ng mga magulang kaugnay sa nasabing programa.

Sa K+12 program, ay magdaragdag ng dalawang taon sa basic education sa bansa at madadagdagan ang kakayahan ng mga estudyante na naghahanap ng trabaho matapos gumradweyt sa high school.

Ang programang ito ay bahagi ng isinusulong ng administrasyong Aquino na ireporma ang educational system sa bansa.

Ang K+12 ay magsisimula sa kindergarten, anim na taon ng elementary education, apat na taon ng junior high school at dalawang taon ng senior high school.

Ang programang ito ay iimplementa sa lahat ng public elementary at high schools sa buong bansa na magsisimula ngayong pasukan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply