Ka-join kasi si manager sa Bora!: Sikat na actor hindi na-solo ng GF na actress

MUKHANG nangangamoy hiwalayan na naman, my BFFT Pete A., sa pagitan ng mag-syotang sikat na actor at actress. Papano, halos hindi na raw magkaroon ng pagkakataon na ma-solo ni byuting aktres ang Papang aktor lalo na kapag nag-out of town sila dahil lagi nitong ka-join ang kanyang manager. Okey lang sana kung talent-manager lang ang relasyon ng dalawa. Kaso mo, matagal ng natsitsismis na may relasyon sila. Hindi ba’t kaya nga walang nagtatagal na babae kay said actor ay dahil may kaagaw sila rito at ito nga ay ang manager-lover ni Paparu? ‘Yun ngang sexy actress na controversial ngayon dahil sa issue nito sa kanyang sister kahit na liberated na ay hindi pa rin ma-take na may kaagaw siyang bading sa ex na actor.

Heto na ang latest, feeling daw ni actress na bida ngayon sa isang teleserye sa sikat na TV network dahil nasa Boracay na sila ng BF na actor ay magkakasarilinan sila nito. As usual, bigo ang beauty nito dahil doon raw natulog ang kanyang Papa labs sa room ng pa-girl na manager. We cannot blame this actor.

Malaki kasing talaga ang utang na loob niya sa manager niyang ito na sumusuporta sa kanya nang todo-todo mula pa noon hanggang ngayong magkaroon siya ng malaking name sa showbiz. Tama naman gyud!

***

Aryana ni Ella Cruz wagi agad sa national TV ratings!

HUMATAW agad sa national TV ratings ang pilot episode ng pinakapinananabikang fantaserye ng ABS-CBN tampok ang kauna-unahang teen-age mermaid sa primetime TV, ang Aryana na pinagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si Ella Cruz.

Base sa datos ng Kantar Media, nanguna sa timeslot nito ang Aryana taglay ang national TV ratings na 15.6% kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Alice Bungisngis na nakakuha lamang ng 11.7%. Labis ang pasasalamat ni Ella sa mga manonood na tumutok sa pagbubukas ng kuwento ng kanyang karakter na si Aryana. “Thank you po sa lahat ng TV viewers na sumuporta sa amin. Mas marami pa po kayong dapat abangan sa mga susunod na episodes,” aniya.“Abangan n’yo po ang pagdadalaga ni Aryana at kung paano siya magiging isang sirena.”

Samantala, ngayong nanakaw na ni Neptuna (Desiree del Valle) ang sanggol na si Aryana mula sa ina nitong si Ofelia (Pokwang), paano niya maisasakatuparan ang plano niyang makaganti kay Victor (Tonton Gutierrez) na siyang nakapatay ng kanyang mahal na anak? Anong kasunduan ang nakatakdang bumago sa takbo ng buhay ni Aryana sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan?

Kasama nina Ella, Pokwang, Tonton, at Desiree sa nasabing fantaserye ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano. Patuloy na subaybayan ang fantaseryeng tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbn- dotcom sa Twitter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply