Ka-live-in ng ex-misis binugbog, mister tinodas

PALAISIPAN ngayon kung sino ang pumatay sa isang mister na nanggulpi sa kinakasama ng kanyang nakahiwalayang misis sa Iloilo.

Sa report na nakarating sa camp Crame, kinilala ang biktima na si Melvin Alquisar, 30, ng Brgy. Mclain, Buenavista, Guimaras, sa Camalig, Jaro, Iloilo City.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng Iloilo PNP, habang natutulog sa kanilang bahay ang ka live-in ng nakahiwalayang misis ng biktima na si Ryan Martirisar nang bigla itong pinasok ng biktima at binugbog.

Nagpasaklolo naman ang dating misis ng biktima na si Ladylyn Tanaleon sa kanilang mga kapitbahay na agad namang sumugod at pinagtulungang bugbugin si Alquisar.

Nagawang makatakbo papalayo ng biktima ngunit nalaman na lamang sa sumunod na pangyayari na nabaril na ito sa Brgy. Tacas, Jaro, Iloilo City.

Hindi naman matiyak ng mga pulis kung ang live-in partner ng dating misis ng biktima ang pumatay sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply