Kaanak, kaibigan tikom sa kondisyon ni GMA

WALANG kaanak o kaibigan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang gustong magsalita ukol sa kanyang tunay na kalagayan.

Sa meeting ng Bagong Lakas-CMD, tumanggi si Camarines Rep. Dato Arroyo na magsalita ukol sa tunay na kondisyon ng kanyang ina.

Makabubuti aniyang ang doktor sa Makati Medical Center na tumingin sa kanyang ina ang magsalita.

Kahit ang pinakamalapit na kaibigan ni CGMA na si Mindoro Rep. Amelita Villarosa ay ayaw magsalita bagama’t kinumpirma niyang may kaugnayan sa puso ang idinadaing ng dating Pangulo.

“All I am aware is she cannot eat because nakaharang ang plate. Pag maysakit ka sa kahit na anong bahagi ng katawan nagkakaroon ng pressure sa heart,” ayon kay Villarosa.

Kahit pigain si Villarosa ay wala itong inihayag bukod sa mungkahing ang mga doktor na lamang ang tanungin o sinumang miyembro ng pamilya Arroyo.

Kahapon (Mayo 10) ay biglang nagpatingin sa MMC si Gng. Arroyo dahil sa umano’y pagkakaroon ng komplikasyon sa naunang operasyon sa leeg na nagdulot ng hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.

Lumabas ang resultang ito sa isinagawang Quantum electrochemistry examination ng cardiologist ng dating pangulo na si Dr. Robert Anastacio.

Ang pulong ng Bagong Lakas ay dinaluhan ng mga kongresista sa pangunguna ni House Minority Leader Danilo Suarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply