Kaayusan vs protesters ipinaubaya sa PNP

IPINAUUBAYA na ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan habang nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga pro at anti-corona habang hinihintay ang magiging hatol ng Senate impeachment court kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“From what we understand, there will be protests. I think meron pong mga support rallies and protests. The PNP will be on hand to make sure na peaceful and orderly po ‘yung mga ganitong protesta from whatever side. ‘Yun lang po din ‘yung concern natin doon,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Wala namang apela ang Malakanyang sa publiko dahil alam niya na tinututukan ng taumbayan ang usaping ito.

“The public is already watching and waiting. Tingnan po natin kung ano ‘yung magiging desisyon,” aniya pa rin.

Hindi naman sigurado si Usec. Valte kung personal na pinanood ni Pangulong Benigno Aquino III ang oral argument kahapon sa Senado.

“Ah, I don’t know. Meron po kasing… I checked his schedule kanina and meron po siyang mga meetings. Let me look at that again. Yes, meron siyang private meeting at 2 [p.m.], may 11:30 and ‘yung open event—‘yung public event po kanina. So, no, I’m not sure. Usually when he has meetings, again, he takes time in between to look at what’s happening. But from the looks of it, baka hindi po ‘yan makapag-monitor nang buo,” anito.

At kung anuman ang magiging hatol ng Senado kay Corona ay handa ang Pangulong Aquino na tanggapin ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply