Kagawad, 6 at 4-anyos na anak itinumba

PATAY ang isang barangay kagawad at kanyang dalawang anak matapos pagbabarilin ng wanted na kriminal sa Barangay Imelda, Hilongos, Leyte sa ulat ng pulisya.

Nabatid na pauwi na si Vicente Lor at mga anak na sina Anthony at Vincent, 6 at 4-anyos galing sa paliligo sa ilog nang harangin ng suspek kasama ang tatlong iba pa at tinadtad ng sumpak.

Dead-on-the spot ang kagawad habang namatay naman sa pagamutan ang kanyang dalawang anak.

Hinala ng pulisya na paghihiganti ang motibo sa krimen dahil nabatid na kinasuhan ng biktima noon ang suspek sa hindi nabanggit na kaso.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply