Kahit hiwalay: Chorvahan nina Angelica, Derek tuloy pa rin!

MAY ilang celebrities na kahit hiwalay na sa kanilang partners ay game pa rin sa pakikipag-love-making.

‘Yung character actress nga na madalas nating mapanood sa Kapamilya network, hindi ba’t kapag kailangan niya ng dyug tinatawagan nito ang ex niyang hunk actor na may kapatid ring artista? Kaysa sa iba raw kasi siya magpagamit, bakit hindi na lang sa rating Papa niya na ama ng kanyang anak? Oo nga naman!

Ngayon, ang latest, kahit cool-off sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay ay bumibisita pa rin daw si Angelica sa condo ni Derek at inuumaga siya roon. Eh, ano ang ginagawa nila buong magdamag lalo na kapag wala silang parehong trabaho? Tinatanong pa ba ang mga ganyang bagay?

Siyempre, ‘yun na ‘yon, chorvahan ang dalawa buong magdamag. Hindi naman mahirap for them ang ganitong set-up lalo pa’t umabot sa five years ang kanilang relationship. Ang sabi pa, naghahanap ngayon si Angelica nang mabibiling Townhouse para hindi na siya makituloy sa kanyang Papa Derek. ‘Yung house kasi na pinagawa ng sikat na young sexy actress comedienne ay ibinigay na nito sa kanyang loving mom.

Practical and liberated gyud!

***

Pinoy Adventures ni Richard Gutierrez sobrang ganda!

KUNG namangha na kayo sa sobrang ganda noon ng Signos, Planet Philippines, Wildlife for Sale at Oras Na ni Richard Gutierrez kung saan naging successful sa rating games ang collaborations na ito ni Richard at ng Kapuso Network’s News and Public Affairs group, dito sa bagong Public Affairs Program cum Travel show ni Chard na Pinoy Adventures, ay talagang mapapa-wow ka!

Para ito sa mga mahihilig mag-travel dahil ipakikita rito ni Richard ang mga nakatagong paraiso na ngayon pa lang ninyo madidiskubre.

Maging ang nasabing sikat na young actor/host ay mapupuri nyo sa kanyang tapang rito. Imagine, nagawa nitong mag-dive sa ilalim ng dagat na may lalim na 120 feet. At sa mga susunod na episode ay magma-mounting climbing naman ang gwaping na matinee idol. Pero siyempre lahat ng mga delikadong eksena na kanyang gagawin sa show ay sinisigurado naman ni Chard na safe siya. May masayang kuwento nga ang actor sa lahat ng invited na entertainment press sa presscon niya para sa bagong show na ito.

Sa isang shoot raw nila sa Palawan sobrang nag-enjoy siya dahil nakasalamuha niya ang ilang mga kababayan natin roon. At ang mga tao raw sa part na ‘yun ng Palawan ay pawang masasayahin. Everyday, kumukuha raw ang mga ito ng fresh water sa talon. Parang walang ka-effort-effort kung buhatin nila ang dalang galon na kilometro ang lalakarin. Samantalang siya raw ilang hakbang pa lang pagod na pagod na.

Pero may technique raw na itinuro sa kanya na hindi ka mapapagod. At para sa kanya, sobrang ini-enjoy niya ang pagho-host ng Pinoy Adventures dahil gustung-gusto ni Chard ang kanyang mga ginagawa rito lalo na ‘yung isa sa segment nilang nami-meet niya ‘yung locals.

“I love meeting new people. And thankful ako sa GMA News and Public Affairs at binigyan kami ng medical team. Marami ring tao na involve para magawa o mabuo ang show na ito lalo na ‘yung ka-buddy kong dive master na siyang umaalalay sa akin noong mag-dive ako ng 120 feet.”

Papano naman ang kanyang Mommy Annabelle Rama na nag-aalala tuwing may taping siya ng Pinoy Adventures?

“There are times na mas mabuting ‘di niya alam ang mga gagawin ko ng alam kong hindi siya magpa-panic. Saka, ‘di naman ako susugod na alam kong ‘di ako safe kaya walang dapat na ipag-worry si Mommy,” say pa ni Richard na nag-iimbita rin sa lahat na starting May 13, Sunday, 8:00 p.m., ay mapanonood n’yo na ang kanyang Pinoy Adventures after I-Bilib sa Sunday Grande ng GMA7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply