Kahit runner up lang, Jessica may future na– Palasyo

KAHIT hindi naiuwi ang titulong “American Idol” season 11 ay naniniwala ang Malakanyang na may magandang future para kay Filipino-Mexican-American belter na si Jessica Sanchez.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte si Sanchez sa edad na 16 ay nasungkit ang tapat at solidong suporta ng mga Filipino sa buong mundo.

“Throughout her long, arduous journey, people considered Ms. Sanchez a performer imbued with an extraordinary gift of music and heart. This is only the beginning for Ms. Sanchez whose incredible talent has been recognized and appreciated the world over,” ayon kay Valte.

Para naman kay Vice President Jejomar Binay kahit hindi pinalad si Sanchez na masungkit ang titulong American Idol ay ito pa rin ang nagwagi sa puso ng mga Filipino-Mexican-American.

“Hindi man pinalad si @JSanchezAI11 bilang American Idol, sa puso ng bawat Pilipino, siya pa rin ang nagwagi. Like other talented kababayans, she makes us proud to be Filipinos.

Jessica’s amazing journey on #AmericanIdol showcased not just her talent, but the spirit of #bayanihan shown by every Filipino who supported her. Mabuhay ka, Jessica,” ang nakasaad sa Twitter account ni Binay.

Bitter naman ang maraming kababayan ni Sanchez sa kanyang lalawigan sa Bataan sa hindi makatarungang desisyon ng AI.

Sa ulat, tinanghal bilang American Idol para sa Season 11 ang crooner mula Georgia na si Phillip Phillips.

Ito’y matapos na ang 21-anyos at purong Amerikanong si Phillips ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa pagitan nila ng half Pinay finalist na si Jessica Sanchez.

Napag-alaman na star-studded ang Season finale sa Nokia Theater sa Los Angeles, California.

Bilang bagong American Idol, record contract ang premyo ni Phillips.

Kung maaalala, sa final performance night ng Top 2 kahapon, inawit ni Phillips ang “Stand By Me” ni Ben King, “Movin Out” ni Billy Joel at ang original song nito na “Home” na nabigyan ng standing ovation ng tatlong hurado sa American Idol at maging ng mentor na si Jimmy Iovine.

Sa buong kompetisyon para sa AI Season 11 ay hindi kailanman napabilang sa bottom 3 ang heartthrob ng Georgia.

Samantala, bagama’t nabigo sa kanyang pangarap na maitanghal bilang “American Idol” ay nagtala pa rin ng kasaysayan ang tinaguriang “little girl with a big voice.”

Si Sanchez kasi ang pinakabatang contestant at unang Asian sa kasaysayan ng patimpalak na nakarating sa American Idol ng finale.

Ang 16-anyos na high school student din ang kauna-unahang Idol contender na isinalba ng mga hurado na umabot ng finals.

Sa pagkakapasok sa finals, nalampasan ni Sanchez ang naabot ng Pinay din na si Jasmine Trias na nagtapos ng Top 3 sa American Idol Season 3.

Ilan pa sa mga Pinoy na naging finalist sa nakalipas na season ng American Idol ay sina Ramiele Malubay (Top 9, Season 3), Camille Velasco (Top 9, Season 3) at Thia Megia (Top 11, Season 10).

Kung maaalala, kapwa inihayag ni Phillips at Sanchez na nais nilang manalo ang isa’t isa.

Ayon kay Phillips, deserving na magwagi si Jessica dahil sa taglay na talento gayong napakabata pa nito.

Sinabi naman ng Pinay pride na mas magaling sa kanya ang kanyang “kuya” Phillip.

Sa huling performance night ng final two kahapon ay umani ng positive comments at review si Jessica maliban lang sa ikatlong round ng performance.

Unang inawit ni Jessica ang “I Have Nothing” ni Whitney Houston para sa choice ng Idol producer na si Simon Fuller.

Napili naman ni Sanchez sa second round performance ang “The Prayer” para sa kategorya na pinakapaborito nilang inawit sa buong season.

Sa third round, nagkaisa ang tatlong Idol judges na hindi magandang maging first single ni Jessica ang “Change Nothing.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply