Kahon-kahon ng pekeng Chinese beer nasabat sa Maynila

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Intellectual Property ang kahon-kahong pekeng Chinese beer sa pagsalakay sa tatlong bodega sa Binondo, Manila, ito ang napag-alaman kahapon ng Remate.

Sa report, umabot sa 780 cases na may lamang 9,000 bote ang nakumpiskang beer na galing China na nagkakahalaga ng P395,130.

Ayon kay BOC Intelligence Chief Danny Lim, dinala nila ang nakumpiskang beer sa local distributor at napatunayang peke ang mga ito.

Hindi rin nabayaran ang buwis nito na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.

Inaalam pa ng BOC kung sino ang may-ari ng bodegang pinag-imbakan sa mga beer at kung sino ang consignee nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply