Kaibigan nabaril ng 15-anyos binatilyo

NABARIL ng isang 15 anyos na binatilyo na diumano’y kilabot na magnanakaw  ang isa niyang kaibigan sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat ng kapulisan kahapon.

Batay sa ulat ng Cebu City Police Station, aksidenteng nabaril ng 15-anyos na binatilyo na itinago sa pangalan Roman ang 37-anyos na kapitbahay nito sa Brgy. Ermita, Cebu City.

Sinasabing matalik na magkaibigan ang dalawa at aksidente lamang umano ang nangyari ng mahulog ang 22 kalibre revolver na iniingatan ng binatilyo na nakuha niya matapos na sumapi sa isang street gang sa kanilang lugar.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima sa pagamutan bunsod ng tinamong tama ng punglo sa mukha.

Inamin ng ina ng suspek na nakuha ng kanyang anak ang naturang baril sa isang gang at sinasabi ng mga otoridad na sikat ang binatilyong salarin sa kanilang barangay.

Ilang ulit na umanong hinihikayat ng kanyang ina na kumalas na ang anak sa nasabing gang ngunit sa halip na sumunod ay maging siya ay tinutukan pa nito ng baril.

Sumuko umano ang ina sa hirap ng pagdidisiplina sa suwail na anak.

Patuloy na iniimbestigahan ng Cebu City Police Station ang nasabing pangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply