Kailangan nga bang sibakin sa Customs si Albano?

NAKU po, marami na palang mga kawatan na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang pinasisibak ng Ombudsman matapos na mapatunayan ang gawa ng mga ito sa  ‘lifestyle check’ ukol sa kanilang pagpapayaman at pagnanakaw sa kani-kanilang posisyon.

Pero patuloy ang mga  ito na nagtatampisaw sa kanilang mga puwesto dahil sa malalakas ang mga kinakapitan.

Maganda sana ang ‘life-style check’ na  ipinatutupad ng gobyerno sa mga hinihinalang kawatan sa mga ahensya ng pamahalaan pero tila lumalabas na ‘inutil’ ito.

E paano, kahit napatotohanan na ng Ombudsman na nagnakaw at nandaya ang isang opisyal diyan sa Customs ay hindi pa rin siya sinisibak.

Ano pa ang silbi ng “lifestyle check” na isinagawa ng Ombudsman kung ‘inutil naman? Namputsa naman oooh…..

Gaya na lamang itong si Eric Albano na sinasabing notorious sa Customs.

Mantakin niyo, sandamakmak ang kaso niya pero patuloy siyang nakapamamayagpag at nakapagyayabang sa mga kawani at kapwa opisyal sa Aduana.

Bakit, dahil ba sa may malakas siyang kinakapitan?

Noong 2010 ay sumailalim sa isang lifestyle check ng Finance agent itong si Albano dahil sa hindi maipaliwanag na tinatamasang kayamanan gaya ng mga condo, mala-mansyong bahay, mamahaling sasakyan, mga baril at milyong bank accounts.

Bukod sa lifestyle check, sumabit din si Albano sa kasong pandedekwat ng nakumpiskang smuggled goods, kasama ang kapwa niyang intelligence officer na si Mitchell Verdeflor na kapwa kinasuhan sa Ombudsman.

Kaya hayun ang dalawa, na nanatili pa rin sa Customs. Palibhasa may pinagmamalaking mataas na opisyal ang kapit.

Pustahan tayo kahit  anong gawing paglilinis ni BOC Comm. Ruffy Bia-zon ay hindi niya ito malilinis habang naririyan pa ang mga kawatang ‘yan.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply