Kailangan ni Mayor Del ang tulong ninyo

WALA nang magugutom kung gagawin n’yo lang ang ginagawa ngayon sa Marikina.

Vegetable garden. Bagama’t ang magtanim ay hindi biro, hinihikayat ni Mayor Del De Guzman ang bawat pamilya sa lungsod na magtanim ng gulay sa bakanteng bakuran o espasyo sa kanilang tahanan.

Alinsunod sa ipinasang Resolusyon bilang 52 Serye ng 2012, layunin nitong hikayatin ang bawat pamilya sa lungsod na magtanim ng iba’t ibang gulay na maaaring kainin ng mag-anak.

“Ang pagtatanim ng gulay ay hindi lamang kabawasan sa gastusin ng pamilya, maganda at mainam din ito sa kalusugan lalo na sa mga bata. Sanayin natin silang kumain ng gulay dahil talagang masustansya ang mga ito,” wika ni De Guzman.

Sa mga tahanang walang espasyo o bakanteng lupa na pwedeng taniman ay gumamit na lamang kayo ng mga lata, plastik na botelya at paso upang doon magtanim. Maaari rin kayong turuan ng hydroponics ng Twinville Hydroponics Farm sa Concepcion Uno, Marikina. Hanapin nyo lang si Sunny Pagaduan o Manny Manahan.

Bantay Komunidad.  Dahil din sa di maitatangging malubhang peace and order situation, hinikayat din ni De Guzman sa pamamagitan ng Resolusyon No. 46, serye ng 2012 ang mga komunidad at homeowners associations na bumuo ng kani-kanilang volunteer watchmen na magbabantay at magroronda tuwing gabi.

Ang mga presidente ng mga asosasyon ang bahalang mag-submit ng listahan kaya’t magboluntaryo na kayo at magpalista. Ang inyong pagmamalasakit ay maaaring makapagligtas ng buhay ng ating kapwa.

Malaking bagay itong “force multiplier” strategy kasi kayong mga residente ang nakababad sa lugar at nakakikilala ng mga dayo o bagong mukha sa inyong kalye o komunidad. Kaya’t pag may kahina-hinalang kilos kayong maobserbahan, itawag niyo lamang sa ating Rescue 161, 6462777 at  6462436 to 38.

Tzu Chi sa May 13. Sa Marikina Sports Park gaganapin ng Tzu Chi Foundation ang selebrasyon ng tatlong importanteng kaganapan: ang kanilang 46th global anniversary, ang Buddha Day, at ang Mother’s Day. Ito ay mula 4pm-7pm. Mamamahagi sila ng tig-20 kilos ng Taiwanese Rice sa libu-libong pamilyang Marikenyo na medyo hirap sa buhay.

Para sa mga Katoliko, ang May 13 naman ay Feast Day ng Fatima kung saan ginugunita yung unang pagpapakita ng Mahal na Ina sa tatlong batang visionaries na nagpapastol lamang ng kanilang tupa sa Fatima, Portugal nung 1917.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply