Kakaibang turismo sa Bulacan

NAKATAKDANG ilatag ang kakaibang tourist destination at siguradong daragsain ito ng mga turista at magugustuhan tiyak ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar ng ating bansa.

Sinasabing ang kakaibang turismo ay makikita lamang daw sa lalawigan ng Bulacan dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Tourism Infrastracture Enterprises Zone Authority (TIEZA).

At dahil daw sa kakaibang turismo ay tiniyak ni Gov. Alvarado na sa lalong madaling panahon ay makikilala ang bayan ng Angat sa Bulacan.

Naniniwala si Gov. Alvarado na ang ikatatagumpay ng turismo sa bayan ng Angat ay nasa kamay na rin ng mga taga-Bulacan kaya dapat itong pagyamanin ng mga namumuno ng Angat.

Ayon pa rin sa Gobernador, ang bawat panahon may tao, bawat tao may panahon at ito ang panahon para pag tulung-tulungang iangat ang turismo rito para magkaroon ng maraming hanapbuhay at umunlad tayo.

Kamakailan lang ay pormal na binasbasan ang Angat Water Sports Park, dating Pugpog River sa bayan ng Angat, Bulacan na dinaluhan nina Gov. Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando  at ang mga alkalde kasama ang ilang konsehal  mula sa kalapit bayan ng Angat.

Ang pagdating ni TIEZA Chief Operations Manager, Mark Lapid, ay isang katotohanan na maisasakatuparan na nga ang pagsasaayos (rehabilitation at remediation) ng kailugan ng Angat upang ito’y maging isang Angat Water Sports Park.

Sinasabing kakaiba ang tourist destinations na ito sapagkat pawang natural ang paligid nitong katubigan na nagmula pa sa paanan ng kabundukan na nakapaligid sa lalawigan ng Bulacan kung saan ito ay dumadaloy  sa dugtungan ng Angat River mula sa Norzagaray, Angat, San Rafael at Bustos.

Maganda ang layunin  ni  Gov. Alvarado, sana nga lang ay pagyamanin ito ng mga taga-Bulacan at huwag itong maging ningas-kugon dahil sayang ang perang ginugol sa proyektong ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply