Kalaban ni Donaire patay sa aksidente

HINDI sa boksing kundi sa car accident namatay sa Bangkok, Thailand si IBF #1 122 pounder Thantong Kiattaweesuk.

Nakatakda sanang sumagupa si Kiattaweesuk kay Nonito Donaire sakaling palarin ang Pinoy ring icon sa kanilang laban ni Jeffery Mathebula sa isang WBO/IBF world title bout.

Bukod kay Kiattaweesuk, namatay din ang kanyang misis.

Nagtamo naman ng malubhang pinsala sa katawan ang dalawang anak ni Kiattaweesuk at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa provincial hospital ng Chantaburi.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Kiattaweesuk sa kanyang sasakyan dulot ng sobrang lakas ng ulan dahilan upang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang puno.

Matatandaan na pinatulog ni Kiattaweesuk si South African Macbute Sinyabi sa ten rounds ng kanilang IBF elimination bout nitong May 18 sa Thailand.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply