Kalagayan ni Corona tinatalakay ng senator-judges

TINATALAKAY ngayon ng mga senador-judge sa emergency caucus ang kalagayan ng kalusugan ni Chief Justice Renato Corona na ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU) ng The Medical City sa Pasig.

Inatasan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Senate doctor na si Dr. Mariano Blancia na puntahan si Corona sa nasabing ospital upang alamin ang tunay na kalagayan ng punong mahistrado.

Magugunitang pagkatapos ng paglilitis kahapon ay dumiretso si Corona sa nasabing pagamutan matapos na bumaba ang sugar leve. Dakong ala-una naman ng madalign araw ng ipasok sa ICU ang punong mahistrado na sinasabing nagkaroon ng heart attack.

Sa resulta ng pagsusuri ni Dr. Blancia ibabase ng mga senator-judges ang kanilang pasya kung hihintayin ang paggaling ni Corona para maisalang sa cross examination ng prosecution panel.

Una nang sinabi ni Enrile sa punong mahistrado na dapat ito ang mag-adjust at hindi ang impeachment court.

Target ng impeachment court na tapusin ang paglilitis kay Corona bago matapos ang Mayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply