Kalsada ginawang bahay, si Corona, si Annabelle Rama

HAYAAN naman nating ibulalas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, paniniwala, paninindigan, karanasan at karaingan.

Heto po sila.

KOTONGAN SA MAYNILA

Sir, pakibulabog naman si Mayor Lim para aksyunan ang grabeng kotongan dito  sa Brgy. 310, Sta. Cruz, Manila. Kawawa kaming mga driver na gatasan ng mga tanod. Bata sila nina Kgwd. Gacula at Chairwoman Thelma Lim.  +63906102….

UKOL KAY CJ CORONA

Maganda ang mga paliwanag ni Chief Justice Corona. Pero kailangan pa ring suportado ng mga dokumento ang kanyang mga sinasabi sa Impeachment Court ngayon. +63912548….

Ang daldal naman ni CJ Corona! Koronahan na kaya siya ng daldalita award. +63908265….

Ano ba ‘to, nag-speech na si Corona. Tapusin na ‘yan, simulan na ang pagpupursige na malaman ang katotohanan. +63927305….

UKOL KAY CORONA PA RIN

Para mabago ang hatol ng mamamayan kay Corona, ‘wag siyang gumamit ng teknikalidad. Magsama siya ng taga-AMLC at sabihing peke ang dokumento ni Ombudsman Conchita Morales na galing sa AMLC. +63916897….

PARA SA MGA SENATOR-JUDGE

Good morning po, sir! Bakit po kaya sabi sa balita na ginagarantiyahan daw ng mga senator-judge na hindi sila magiging bastos kay Corona kapag humarap siya sa Senado? ‘E, bakit ‘yung mga naunang witness, garapalan nilang binabastos? Ano ba ang nandiyan kay Corona? Palibhasa ba may milyones siyang dollar account kaya ‘di nila kayang bastusin? Akala ko ba sabi sa Saligang Batas na lahat ng tao ay pantay-pantay? E bakit yung mga ordinaryong tao, garapalan nilang binabastos, minumura at niyuyurakan ang kanilang dignidad? +63916911….

GALUNGGONG: P150 KADA KILO

Sir Benny Antiporda. Pakibakbakan naman po ang DTI rito sa Albay. Sobrang mahal ng bilihin dito lalo na sa palengke sa Legazpi City. Ang kilo ng galunggong ay P80 lang pero pagdating sa Albay P150 na. Kahit po sa mga tindahan, mahal ang benta nila ng mga paninda. +63908296….

PONDO PARA SA DOST-ICTO

Gud pm, Sir. Nananawagan kami kina Pangulong  Noynoy at DBM Sec. Florencio Abad ukol sa pagpopondo sa mga empleyado ng Telecommunications Office sa ilalim ng DOST-ICTO para sa mga maaalis na tao dahil mahigit nang anim na taon na wala silang ginagawa sa opis nila.

Dapat makonsensiya na sila dahil kaming taxpayers ang nagpapasahod sa kanila. Bakit pinapayagan nila ito? Thanks and more power, Sir…Concerned Citizens of Las  Piñas MM. +6392629….

MCDO AT SENIOR CITIZENS

Gusto ko lang sanang  ipaabot sa inyo itong McDo rito sa cor. Quirino, San Andres, Manila. Hindi na raw sila tumatanggap ng senior citizens card dahil promo raw nila yun! Wala naman akong dalang promo papers. 67 na ang age ko! Sana maiparating n’yo sa mga kinauukulan ang reklamo ko. Salamat po, Sir Benny Antiporda! +63915347….

PRO-KANO

Good am po! Pinaaalis ng gobyerno natin ang American base rito sa Pilipinas. Hindi nila naisip na ang America lamang ang hinihingian natin ng tulong o saklolo sa oras na may problema. +63912774….

SI ANNABELLE RAMA

Harangin si Annabelle Rama sa pagbaboy at pagsalaula sa Kongreso. +63926764….

MORALISTA AT SI LADY GAGA

Good evening po, mga moralista sa Pilipinas. Mga $%*@ kayo. Bakit ninyo pakikialaman si Lady Gaga? Trabaho niya yan. Mga Hudas, takot lang kayong mawalan ng ikapo at abuloy. +63948591….

AYAW TUMANGGAP NG BUWIS

Sir, good pm. Bkit ayaw tanggapin ng bangko ‘yung payment namin sa tax kung wala kaming account sa kanila? Sa  Boracay po ito. Panawagan lang po kay Sec. Henares. Aksyon naman dito. +63928319….

TULFO VS SANTIAGO

Sa totoo lang po, walang kasalanan si Kuya Mon. ‘Yang sina Claudine at Raymart ang hindi maganda ang inasal. Gumagalang daw, pwe. Ba’t nila kinuyog si Kuya Mon? Porke marami sila? +63923593….

MGA SANTIAGO DAPAT KASUHAN

Dapat ‘yang mag-asawang Santiago ang dapat na kasuhan. Wala namang  maitutulong ang mga yan sa bayan. E mga Tulfo brother ang nakatutulong sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap na tao. +63948500….

KALSADA GINAWANG BAHAY

I-report ko lang po itong  kanto ng Escoda at Gen. Luna, Binondo, Manila. Kasi ginagawang bahay ng mag-asawa ang kantong ito. Diyan na rin sila nagluluto sa gilid ng kalsada. Masagwang tingnan. Masyado pang matapang. Akala mo kung sino sila. Kesyo anak daw niya ang isang kagawad ng Brgy. 675 o 73. Sana sitahin itong mag-asawa na ito.

Kasi hindi na magandang tingnan ang kanto dahil sa nagkalat na kahoy at gamit nila. Sir, paki na lang po. Alam ko pong dapat ay sa Chairman pero sa anomang kadahilanan ay sa akin na po iyon.

Tulungan niyo po akong mapaalis ito para gumanda ang aming barangay. Salamat po and keep up the good work.

‘Wag n’yo po sanang i-publish ang number ko. Salamat po. +63920260….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply