Kamag-anak tinodas sa saksak, suspek utas sa taumbayan

PATAY ang dalawa katao makaraang saksakin ng napatay din ng taumbayan sa Brgy. Zone 1, GPS Corner, Odi Antipolo Street, Koronadal City, inulat ng pulisya.

Kinilala ang napatay na suspek na si Francisco “Totong” Degayo, 52, habang ang biktima ay ang kanyang bayaw na si Jezel Lopez.

Sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang suspek na si Francisco bago umakyat sa kanilang bahay at pinagsasaksak ang biktima gamit ang isang kutsilyo.

Sugatan din sa pagwawala ng suspek ang kanyang misis na si Helen Degayo, 39, at anak na si John Shane Degayo.

Makaraan ang pananaksak ay lumabas ng bahay ang suspek na pinagtulungan namang gulpihin ng mga nakakita sa krimen  dahilan ng kanyang kamatayan.

Lumalabas na nagwala ang suspek makaraang magselos sa kanyang bayaw na sinasabing kinahuhumalingan ng kanyang misis.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply