Kamara hands off sa GMA health problem

HANDS-OFF ang liderato ng Kamara sa usapin kung papayagan bang makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang diin ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na labas na ang Kongreso kung dapat bang payagan si Arroyo na makapagpagamot sa abroad dahil ito’y isyu na ng mga doktor at espesyalistang tumitingin sa dating pangulo.

Bukod dito, ang naturang usapin ay bagay na mismong ang korte na ang magpapasya kung papayag ba o hindi.

Hindi rin anila sila mga doktor para magsabi na ng teorya sa lagay ng kalusugan ni Arroyo gaya ng pasaring nito kay Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa na nagsabing life threatening na ang lagay nito.

Pinaplantsa naman ng mga kaalyado ni CGMA sa Kamara ang resolusyon na nanghihikayat sa pamahalaang Aquino na payagan nang makapagpagamot sa ibang bansa si Arroyo sa oras na magbaba na ng rekomendasyon ang mga doktor nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply