Kamara sumawsaw na rin vs Lady Gaga

NAKISAWSAW na rin ang Kamara de Representantes sa pagkondena sa kontrobesyal na international pop singer na si Lady Gaga.

Sa kaniyang pagtayo sa plenaryo, hiniling ni Manila Rep. Amado Bagatsing na tuluyan nang i-ban si Lady Gaga dito sa Pilipinas.

Ipinunto ni Bagatsing na vulgar at offensive ang nilalaman ng mga kanta ni Lady Gaga, na maaaring magbigay ng masamang ideya o epekto sa mga fans nito.

Hindi rin pinalagpas ni Bagatsing ang lifestyle at pananamit ni Lady Gaga, tulad nang minsan nang sinuot nitong meat dress o damit na gawa sa karne na binalot din ng kontrobersiya at pagkondena.

Hindi rin aniya magandang halimbawa si Lady Gaga sa mga kabataan, lalo’t hayagang inamin ng singer na bisexual ito.

Bunsod nito, iginiit ni Bagatsing na harangin na raw ang pagsasagawa ng concert ni Lady Gaga sa ating bansa, tulad ng ginawa ng Korea at Indonesia.

Dahil sa dami ng mga gustong mapanood si Lady Gaga ay naging dalawang araw ang konsiyerto nito sa Manila na dapat sana ay kahapon (Mayo 21) lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply