Kamay na bakal sa tiwali

YAN ang salitang nais ni Pangulong Noynoy Aquino na ‘isa-puso’ ng mga Pinoy para maging gabay ng bawat isa sa pagtahak sa tamang daan ng kanilang buhay.

Ang slogan na ito ang ginagamit ng Pangulo sa paglalarawan sa tunay na kalakaran sa gobyerno kaya ang bansa ay ‘di makalipad sa rurok ng tagumpay.

Ayon kay PNoy, ang ‘baluktot na daan’ ang naging kagawian ng maraming opisyal ng pamahalaan na tahakin kaya ‘di umuunlad ang bansa.

Ang katiwalian ay nagkalat kahit saan – pribado man ito o pampublikong ahensya.

Ang pera ay ‘di sa kaban ng bayan, kundi sa bulsa ng mga korap ang pinatutunguhan.

Isang halimbawa ng naliligaw na landas na ahensya  ay ang Bureau of Customs. Mula noon, hanggang ngayon ang korapsiyon ay kaliwa’t kanan.

Nakaw dito, nakaw doon ang mga natatalagang opisyal ng ahensyang ito kaya ang taunang target na collection ay ‘di naisasakatuparan.

Ito’y dahil nga ang pera na dapat sa kaban ng pamahalaan mapunta ay sa mga bulsa ng mga korap na opisyal at kawani ang binabagsakan.

Iba’t ibang pamamaraan ang isinagawa ng mga nakaraang administrasyon, pero nariyan pa rin ang problemang katiwalian sa Aduana.

Ang sistema ng tinatawag na palakasan ay isang dahilan kaya nananatili ang katiwalian sa ahen-syang ito ng gobyerno.

Klasikong halimbawa ay ang pagbabalik ng isang nagngangalang ‘Joey Y’ sa kanyang puwesto matapos itong tanggalin ng Office of the Ombudsman dahil sa katiwalian.

Si ‘Joey Y’ na malapit sa dating Pangulong Gloria Arroyo, ayon sa ating customs insiders ay ‘sikretong’ naibalik sa posisyon at nag-hahasik na naman umano ng lagim sa BOC.

Ang pamahalaang Aquino ay masidhi ang hangaring mawalis na ang mga tiwali sa BOC para mabago na ang kalakaran sa ahensyang ito.

Pero sa kabila ng mga  ginagawa ni Comm. Ruffy Biazon ay nananatili ang smuggling, lagayan at kung ano-ano pang kalokohan sa waterfront.

Kailangan sigurong maging matigas si PNoy sa pagharap sa mga tiwali riyan sa BOC.

Nararapat sigurong gumamit na siya ng kamay na bakal.

Unahin mo na, Ginoong Pa-ngulo, ang pagpapatalsik kay ‘Joey Y.’

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply