Kampeon ang B-Meg, James Yap, MPV

NAUWI man sa overtime ay hindi nawalan ng pag-asa ang B-Meg Derby Ace Llamados para talunin ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa makapigil hiningang do-or-die championship match kagabi sa Smart Araneta.

Umiskor ng 39 points at 21 rebounds ang import ng B-Meg na si Denzel Bowles at nagawang talunin ang Texters sa overtime game sa iskor na 90-84.

Hindi naipasok ni James Yap ang layup sa nalalabing 13 segundo ng laro kung saan abanse ang Talk ‘N Text ng dalawang puntos, ngunit bago mag-expire ang oras ay natawagan si Kelly Williams.

Nabigyan ng dalawang freethrows si Bowles at matagumpay naman itong naipasok dahilan para maagaw ang kampeonato sa defending champion na Tropang Texters.

“I was so scared in taking those two freethrows. It was a real breakthrough for my career,” wika ni Bowles.
Samantala, itinanghal namang Finals MVP si James Yap sa nagawa niyang performance na 12 points.

Sa panig ng Tropang Texters, malaking dahilan sa kanilang pagkatalo ang pagkawala ng dalawang key players na sina Jimmy Alapag at Ryan Reyes habang fouled out si Ali Peek.

Nakapagtala ng kabuuang 29 points si Alapag para sa Texters.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply