Kampi kay Corona inutas ng katoma

PATAY ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman nang magtalo sa magiging hatol bukas ng impeachment court kay Chief Justice Renato Corona sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina City chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez ang biktima na si Judy Zaragoza, 34-anyos, residente ng #909 Bagong Silang St., Brgy. Parang ng nasabing lungsod.

Kaagad namang tumakas ang suspek na si Marlon Pocquis, 37-anyos, kalugar ng biktima matapos ang insidente bitbit ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa Bagong Silang St., Brgy. Parang, Marikina City.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pang kapitbahay nang magawi ang kanilang pagkukuwentuhan sa ginaganap na impeachment trial sa Punong Mahistrado.

Magkasalungat umano ng paniniwala ang biktima at suspek kung saan matibay ang paniniwala ng una na maaabsuwelto si CJ Corona.

Dahil sa tama ng iniinom na alak, lubha umanong nag-init ang ulo ng suspek nang manindigan ang biktima sa paniniwala nito na humantong sa kanilang pag-aaway.

Maya-maya, naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang kainuman.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply