Kampo ni Mon: Bagong video ng rambulan sa NAIA ‘di inedit

IGINIIT ngayon ng kampo ng beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo na hindi inedit at hindi dinagdagan o binawasan ang lumutang na bagong video sa naganap na rambulan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagitan niya at ng kampo ng showbiz couple na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago.

Sa paglabas ni Mon kahapon (Mayo 27) sa The Buzz, sinabi niya na nagmula ang nasabing video sa isang concerned citizen na hindi pinangalanan.

Ani Mon sa panayam kay Kuya Boy Abunda, inihatid ng ama ng nasabing concerned citizen ang nasabing video at sinabi na huwag nang pangalanan ang kanyang anak at hiniling na huwag na rin silang isama sa paglilitis kung sakali.

Ipinaliwanag ni Mon ang bagong video na ipinakita sa The Buzz.

Ani Mon, tapos na ang rambulan sa lumabas na bagong video kung saan makikitang tinampal o binatukan siya ng “pink guy” (na sinasabing si Edward Atiilano, kaibigan nina Claudine).

Aniya, ang pag-iling niya sa nasabing video ay dahil sa kanyang palagay ay “hindi nalalaman ng mga batang (Claudine, et al) ito ang kanilang ginagawa.”

Sa punto ring iyon, ay minumura siya ng baabeng naka-pink na itinuturong si Claudine.

Samantala, nakatakdang dinggin ang preliminary investigation ng kaso bukas, Martes, Mayo 29.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply