Kampon ni Marian ang nananakot kay Katrina

HUMAHANGOS na pumunta ng NBI ang buntis na si Katrina Halili para magreklamo kaugnay sa natatanggap niyang pananakot sa Twitter. Masyadong apektado raw ang aktres sa pangyayari.

Masama para sa kanya ang ganitong mga eksena. Dapat iwasan na muna ni Katrina ang magbukas ng kanyang Twitter account para maiwasan niya ang problema. Baka kasi maapektuhan ang bata sa kanyang sinapupunan.

Anyway, duda ng ilan, baka kampon daw ni Marian Rivera ang nananakot kay Katrina. Ang ibang die-hard fan daw ng syota ni Dingdong Dantes ay masyadong bayolente ang mga utak.

May pinagmanahan? Hehehe!

Paging, Kris Lawrence, pagsabihan mo nga ang sweetheart mo na manahimik. Huwag muna nitong pansinin ang mga nasa paligid niya lalo na ang wala namang kwentang mga threat sa internet. Lalo lamang siyang pagti-tripan ng mga ito kapag nakikitang apektado siya sa mga katarantaduhang pinaggagawa nila.

***

Mukhang masusungkit ni Jessica ang titulo

SI FILIPINO-Mexican American singer Jessica Sanchez ay part na ng American Idol Season 11’s Top 3.

Kaninang umaga (Manila time), si Jessica ay na-save ng pinagsamang boto ng American, Mexican at Filipino. Umabot sa mahigit 70 million ang nabilang na pinaghatian ng apat na natitirang contestant na sina Joshua Ledet, Philip Philips, Hollie Cavanagh at ang ating kababayan. Si Hollie ay minalas na nalaglag sa labanan.

Masasabing suwerte raw ni Jessica ang pagkakatsugi ni Ms. Cavanagh dahil ito raw talaga ang matinding karibal niya sa pagiging American Idol Season 3’s champion. Magaling din kasi ang huli. Pero malas nito dahil tatlong lahi ang sama-samang bumoto sa ating panlaban.

***

Bel-Air #1 In Fun Pasinaya 2012 punong-puno ng kasiyahan

NAGING matagumpay at punong-puno ng kasiyahan ang katatapos pa lamang na Bel-Air #1 In Fun Pasinaya 2012. Ang pagdiriwang ay kinatampukan ng iba’t ibang palabas at libreng kainan.

Nagpapasalamat kami sa imbitasyon ni Tita Almed (Garcia) dahil naging parte kami ng pagdiriwang at siyempre thank you din sa mabait na barangay captain na si Ms. Constancia Lichauco.

Anyway, barangay Bel-Air would like to thank the sponsors and donors and all their friends who have made this Pasinaya such a fun experience.

Nagpapasalamat din sila kina Mayor Eva Singson-Medina and Vice-Mayor Lourdes Baquiran of the heritage city of Vigan for adding a touch of the north to this year’s Pasinaya at sa kanilang staff at sa lahat ng citizens of Vigan.

At siyempre, naging ganap ang tagumpay ng programa dahil sa pinagsamang effort sa pangunguna ni Tita Nene o ni Kapitana bilang producer; Susan Calo Medina, executive producer; Floy Quintos, writer/director; Liza Chingcuangco, Andrew Ferraris, GTin Tin Limjap, Cecille Martinez, Bimbim Ebol and Ching Pagaduan, Choreographers; Peggy Sangco, production manager; Jay Aranda, Lighting director; Gino Gonzales, Production design; Jomari Jose, stage manager; Twinkle Zamora, costume design & execution; Gex Pulido, video; Randy Villamor, playbill; Janice Dee, Music; Madonna Tinoy, lighting associate; Jun Bon, sound engineer; Dennis Singson, Pong Isidoro, Eric Licas, Jayr Inocencio and Willy Licas, stage hands; NDS-Warren Uy, light and sound; Stage Q Matic-Armand Cruz, stage execution; Lester Jacinto, Bel-Air entrances execution.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type la- mang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply