Kano binoga sa bunganga, todas

NASAWI ang isang Amerikano makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Caloocan kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 38 sa bunganga si Richard Meyers nang matagpuan sa kuwarto nito sa Barangay Bagong Barrio, naturang lungsod.

Hinihinala ng pulisya na ipinasubo sa biktim ang baril bago kinalabit ng suspek ang gatilyo nito.

Base naman sa pahayag ng saksing si Charlie Laurel, ala-1:00 ng madaling araw nang may kumatok na tatlong lalaki sa kanilang bahay at hinahanap ang biktima.

Agad umanong hinila ng mga suspek si Meyers na nakipagpambuno pa.

Sinasabing bagong laya lang si Meyers na nakulong dahil sa kasong alarm and scandal at resisting arrest.

Bukod sa pagiging US Citizen, nagpapakilala rin umano si Meyer na dating US Marine.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang habang tuloy ang pagtugis sa mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply