Kapakanan ng OFWs sa Malaysia isusulong ni Binay

NAKATAKDANG imungkahi ni Vice President Jejomar Binay kay Malaysian Prime Minister Tun Dr. Mahathir bin Mohamad ang pangangalaga sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa.

Si Binay ay kasalukuyang nasa Kuala Lumpur para sa isang working visit.

Sinalubong si Binay sa paliparan ni Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya, Malaysian Deputy Foreign Minister Senator A. Kohillan Pillay, Malaysian Ambassador to the Philippines Dato Sri’ Ibrahim Saad,  at ng iba pang opisyal ng embahada at Malaysian government.

Umaasa rin si Binay na magiging mabunga ang kanyang pakikipag-usap kay Mohamad partikular na sa larangan ng negosyo at diplomatikong relasyon.

Kasamang dumating ni Binay sa Malaysia si Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, at ang 24 prominenteng negosyante sa Pilipinas.

Bukos sa pakikipag-usap kay Mohamad, nakatakda rin maging panauhing tagapagsalita si Binay sa Philippine-Malaysian Investment Partnership Forum bukas, Mayo 29, at ang pakikipagtalastasan kina Malaysian Foreign Minister Dato’ Sri Anifah bin Haji Aman at Minister of International Trade and Industry Dato’ Seri Mustapa Mohamed.

Nais din talakayin ni Presidential Adviser for OFW Concerns sa mga opisyal ng Malaysian government ang problema hinggil sa usapin ng mga Pilipinong naninirahan sa Sabah, gayudin ang problema sa drug mules.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply