Kapitan natagpuang patay sa lantsa

PATAY na nang matagpuan ang isang Kapitan ng lantsa sa Camarines Sur kaninang madaling araw (Mayo 21).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Prescillo Canals, 61 anyos, kapitan ng lantsang FV Glacer Eden.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas 5 ng madaling araw sa loob ng nasabing lantsa na nakadaong sa may karagatan sa may Caranan, Pasacao sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa nakadiskubre na tumangging pagpakilala, pumunta siya sa daungan ng lantsa ng biktima upang samahan itong maglayag sa karagatan.

Ngunit nang walang magbukas ng pinto ng lantsa, sinilip sa bintana ng naturang testigo ang loob ng lantsa at nakitang nakahandusay sa loob ang kanyang hinahanap.

Sinisiyasat ngayon ng pulisya kung my foul play sa pagkamatay ng biktima at kung may nawawala rin itong gamit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply