Kapitan utas sa pananambang sa Iloilo

DEAD on the spot ang isang punong barangay matapos barilin nang malapitan habang naggagawad ng parangal sa katatapos na liga ng basketball sa Lingao Proper sa bayan ng Cabatuan, Iloilo bandang alas-2:00 kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Punong Barangay Felix Muel Jr. habang sinasabi ng mga awtoridad na may makapagtutukoy na sa kinaroroonan ng suspek.

Sa impormasyong ibinahagi ni SPO1 Ritchfield Alag, may hawak ng kaso at kasapi ng Cabatuan Municipal Police Station, nagtamo ng dalawang sugat ang barangay chairman, isa sa leeg na tumagos sa kanyang noo.

Ayon sa pulisya, mayroon na silang isang suspek na umano’y residente rin sa lugar ngunit hindi muna ito pinangalanan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ano ang motibo sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply