Kapos ang P5-M pondo ng Kamara sa impeachment trial

TINIYAK ngayon ni An Waray Partylist Rep. Florencio “Bem” Noel, chairman ng House Committee on Accounts na hindi aabot sa P6 milyon ang gastos ng Kamara sa halos limang buwan na impeachment proceedings.

Sa isang press conference, sinabi ni Noel na kung nagkaroon man ng dagdag ay kakaunti lamang mula sa benchmark na P5 milyon na kaparehong badyet din na inilaan sa impeachment proceedings laban kay dating pangulong Joseph Estrada.

Ipinaliwanag ni Noel na humugot siya ng karagdagang pondo mula sa Maintenance and other operating expenses (MOOE) ng Kamara para idagdag sa gastos ng prosecution panel.

Nilinaw ni Noel na nai-liquidate na niya ang P4.3 milyon sa kanilang nagastos na alokasyon at may natitira pang P1.27 milyon na hindi nali-liquidate.

Aniya, pinakamalaking pinagkagastusan ay ang office supplies na umabot ng P2.1 milyon at ang pagkain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply