Kapote sa pamilihan may nakalalasong kemikal

NAGBABALA ang isang toxic watchdog sa publiko laban sa pagbili ng mga kapoteng pambata o raincoats matapos na matuklasang ilan sa mga ito ay nagtataglay ng nakalalasong kemikal na makasasama sa kalusugan.

Nabatid na bumili ng 14 na iba’t ibang uri ng children’s raincoat ang grupong EcoWaste Coalition mula sa Divisoria at ipinasuri ang mga ito.

Natuklasan ng grupo na 13 sa mga ipinasuring kapote ay nagtataglay ng nakalalasong kemikal na lead, na maaaring magresulta sa pagkapinsala ng utak ng taong malalantad dito.

Ang aksiyon ng EcoWaste Coalition ay kasunod na rin ng inaasahang pagiging mabili ang mga raincoat ngayon dahil bukod sa nalalapit na ang pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral sa Hunyo 4, ay nalalapit na rin ang pagsapit ng panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, pinayuhan ng grupo ang publiko na tiyaking ligtas ang mga kagamitang binibili para sa kanilang mga anak.

Nauna rito, ibinunyag ng EcoWaste na ilang school supplies na ipinagbibili sa Divisoria sa murang halaga tulad ng mga bag, pencil case, plastic envelope, sapatos at water canteen ay nagtataglay rin ng mataas na antas ng toxic chemicals.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply