KAPRITSO NG LAMAN (Ika-92 labas)

NAPUYAT si Jason pero hindi niya alintana.

Magdamag siyang gising …

Sabik na hinihintay ang pagdating ng umaga.

Buo na ang plano niya kinabukasan …

Hindi muna siya papasok …

Magdadahilan na maysakit …

Wala siyang aasikasuhin kundi ayusin ang gusot nila ni Sally para bumalik sa condo unit niya ang babae.

Pero iginupo rin siya ng antok …

Kung kailan mag-uumaga na, saka siya dinalaw ng antok.

Mataas na ang araw, tulog pa siya.

Magkasabay na papasok na sina Sally at Linda ng umagang iyon.

Sa apartment ng kasamahan sa trabaho siya nakituloy nang umalis siya sa condo unit ni Jason.

Makiki-share na lang siya sa upa at sa lahat ng gastos.

Lulan sila ng commuter train patungo sa kanilang pinapasukan sa mga sandaling iyon.

“Wala ka na ba talagang planong bumalik sa piling ni Jason?” tanong ng kaibigan.

Umiling ang babae.

“Sigurado ka na wala ka na talagang feeling para sa kanya?”

Hindi kumibo si Sally.

“Baka tampong pororot lang iyan. Kapag nawala iyan, babalik ka rin sa piling niya,” sabi pa ni Linda.

“Meron pa man akong pagtingin sa kanya, dapat na iyong mawala,” sagot ni Sally. “May asawa akong tao. Gusto ko nang ituwid ang nagawa kong kasalanan.”

Napatango-tango si Linda.

“Sa palagay ko, iyan ang pinaka-the best mong magagawa!” sabi niya.

Mahaba-habang sandali ang namagitan sa kanilang dalawa.

Hanggang sa makarating sila sa terminal.

Malapit lang dito ang Taipei 101 kaya naglakad na lang sila patungo rito.

Buo na ang plano ni Sally.

Pagdating niya sa Jewelry store na pinapasukan, karaka niyang kakausapin ang may-ari.

Samantala, nagising si Jason dahil sa naramdamang pagkalam ng tiyan.

Gulat siyang napabangon ng makitang mataas na ang sikat ng araw.

Tarantang nagtungo muna siya sa kusina …

Nakita niya ang inorder na pagkain sa table …

Inamoy-amoy niya ang mga ito …

Hindi pa sira.

Hangos niyang ininit ang mga ito …

Habang iniinit ang food, nagtimpla siya ng kape …

Gutom na gutom ang kanyang pakiramdam dahil hindi siya naghapunan kagabi.

Ilang saglit pa at kumakain na siya …

Basta na lang niya itinambak sa lababo ang mga pinagkainan.

Mamaya na lang niya huhugasan ang mga ito.

Importante na makita at makausap muna niya si Sally.

Bago naligo, tumawag muna siya sa pinapasukan …

Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam kaya hindi muna siya papasok.

Matapos ito, dumeretso na siya sa banyo at naligo …

Matapos ito, hangos na nagbihis …

Saglit na inayos ang sarili sa harap ng tokador at nag-spray ng pabango.

Ilang saglit pa at lulan na ng kanyang kotse ang binata.

Sa Taipei 101 ang deretso niya …

Pupuntahan niya si Sally sa pinapasukan …

Kung kinakailangang maghintay siya ng breaktime para makausap ang kasuyo, gagawin niya.

Madali siyang nakarating sa mall …

Deretso siya sa Jewelry store na pinapasukan …

Sabik na gusto muna niyang makita si Sally.

Pero nagulat siya nang pumasok …

Wala ang babae …

Hindi kabilang sa mga nagtitinda.

Nakita niya si Linda …

“B-Bakit parang wala rito si Sally. Nasaan siya?” takang tanong niya sa babae. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply