KAPRITSO NG LAMAN (Ika-93 labas)

MALUNGKOT na tiningnan ni Linda si Jason.

“Wala na si Sally rito. Sayang at hindi mo sina inabutan.

Nagpaalam na siya sa mag-ari

na lilipat ng trabaho at pinayagan naman siya dahil tindahan pa rin niya ang lilipatan.

Pero hindi ko alam kung saan. Tanging si Boss lamang ang nakakaalam kung saan niya inilipat si Sally,” sabi ng babae.

“N-Nasaan ang boss mo? Gusto ko siyang makausap!” tarantang tanong ni Jason.

“Kasama niyang umalis si Sally at hindi ko alam kung saan sila nagpunta,” sagot naman ni Linda.

Parang bata na inagawan ng kendi ang reaction ni Jason.

Parang maiiyak.

Para hindi makita ni Linda ang pamamasa ng kanyang mga mata, bigla siyang tumalikod sa babae.

Pinahid muna ng panyo ang nangingilid na luha sa mga mata bago hinarap ang una.

“Nakikiusap ako sa iyo. Kung malalaman mo kung saan nagtatrabaho ngayon si Sally, sabihin mo naman sa akin. Wala akong balak na masama. Gusto ko lang siyang makausap,” pakiusap niya kay Linda.

Napilitang mangako ang babae …

“Sige … kung malaman ko, sasabihin ko sa iyo,” aniya.

Hiningi ni Jason ang cellphone number niya bago umalis.

Naiwang napailing-iling na lang si Linda.

Saan nga ba lumipat si Sally?

Sa isang branch ng Jewelry store sa Zhongsan Metro Shopping Mall.

Maganda ito at malaki …

Kabilang ito sa pinakamalaking underground shopping mall sa buong mundo.

Dito siya dinala ng may-ari na si Mrs. Lee …

“Kung hindi ikaw ang mismong magtuturo kay Jason ang lugar na ito, hindi niya iisiping dito ka nagtatrabaho,” sabi ng mabait na may-ari.

“Thank you po, mam!” nakangiting sabi ni Sally.

Matapos ipakilala sa ibang trabahador ang babae, umalis na si Mrs. Lee. Babalik na siya sa Taipei 101.

Pabor kay Sally ang bagong pinapasukan …

Hindi na niya kailangang magtaksi papauwi …

Maglalakad lang siya nang konti hanggang sa makarating sa Zhongsan MRT Station. Dito siya sasakay papauwi sa apartment ni Linda.

Tahimik na nagsimulang magtrabaho ni Sally.

Kapag may kostumer, lumalabas ang galing niya sa salestalk.

Pero kapag napag-isa, hindi maitago ang nararamdaman niyang lungkot.

Kung bakit nagkaganito ang lovelife niya.

Mahal pa rin niya si Jason pero dapat na siguro niyang kalimutan ang binata.

May asawa na siya …

Pero ngayong natuklasan na ni Jude ang paglalaro niya ng apoy, asawa pa rin kaya ang magiging turing nito sa kanya?

Hindi kaya pinalitan na siya?

Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan pero hindi niya mabigyan ng kasagutan.

Nasa kasarapan nang pagtulog si Jude sa mga sandaling iyon.

Katabi niya si Tina …

Nakatingin siya sa tulog na lalaki …

Kung gaano kalaki ang hangarin ni Jason na masarili si Sally, ganito rin kalaki ang kanyang interes na maangkin si Jude.

Gumagawa na ng aksiyon ang una para tuluyang masira ang relasyon ng mag-asawa.

Kung gusto niyang masarili ang mister ng kanyang bestfriend, dapat na rin siyang kumilos.

Kumilos ang isang kamay ni Tina ..

Dumapo sa harapan ng pundilyo ni Jude.

Dinama ito …

Malambot ang kanyang nakapa …

Tulad ng amo, tulog ang alaga ni Jude.

Pero desidido si Tina sa balak gawin.

Hindi baleng hindi magising ang una basta’t magising niya ang alaga ng lalaki.

Patatayuin niya ito hanggang sa tumuro sa kisame. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply