KAPRITSO NG LAMAN (Ika-97 labas)

HANDA na si Tina sa pakikipag-usap sa kaibigang si Sally.

Iibahin niya ang kanyang boses para hindi makilala ng una.

Maayos na sinagot ng huli ang kanyang tawag …

Hindi siya puwedeng sumagot nang pabastos lalo’t hindi naman niya alam ang pakay sa kanya nang tumawag.

“Sino ba ito at ano ang kailangan nila?” mahinahon niyang tanong.

Hindi pamilyar sa kanya ang tinig na narinig …

“Hindi na importanteng makilala mo kung sino ako. Ang mahalaga, malaman mo na nagmamalasakit ako sa iyo,” sagot ng kausap.

“A-Ano ang ibig mong sabihin?”

Takang tanong ni Sally na biglang napabangon sa kinauupuang sofa.

“Gusto ko lang malaman mo na niloloko ka ng iyong asawa at nang itinuturing mong matalik na kaibigan. Sila na ngayon. Habang nagpapakahirap kang magtrabaho sa ibang bansa, nagtatampisaw naman sila sa kasalanan,” sagot ng kausap.

“H-Hindi totoo iyan! Hindi magagawa sa akin iyan ng asawa ko at nang matalik kong kaibigan,” gimbal na sabi ni Sally.

“Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pinipilit. Pero gumawa ka ng sarili mong imbestigasyon para mapatunayan mo na hindi kita niloloko,” sagot ni Tina saka pinindot na ang endline ng kanyang cellphone.

“S-Sandali … mag-usap pa tayo …. Hello!” habol ni Sally pero wala na siyang narinig kundi ugong sa kabilang linya.

Biglang nanlambot ang babae.

Gusto niyang ituwid ang kanyang pagkakamali pero paano niya ito gagawin kung kinakaliwa na siya ng asawa?

Hindi lang puso kundi pati isipan ni Sally ang sumakit dahil sa problema.

Nawalan na siya ng ganang tapusin ang palabas sa telebisyon.

Ini-off na niya ito sa pamamagitan ng remote control.

Matapos ito, nagpunta na siya sa kuwarto para matulog.

Nahiga siya sa kama sa tabi ng kasamahan sa trabaho na si Linda.

Sa mga sandaling iyon, nagising na si Jude.

Namimigat ang katawan na bumangon ang lalaki …

At dahil kumakalam na ang tiyan, hangos na lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

Nadatnan niya rito si Tina na masayang nagluluto ng kanilang almusal.

Pakanta-kanta pa ang babae.

“Mukhang ang ganda ng gising mo, ah! Masayang-masaya ka!” puna ng lalaki habang nagtitimpla ng kape!

“Kahit sino’ng babae basta’t nadiligan, nagiging masaya!” nakangiting sagot naman ni Tina.

Napailing-iling ang lalaki …

“Masyado kang nagiging hot ngayon. Kapag ayaw mo, hindi kita puwedeng pilitin. Pero kapag ikaw ang may gusto, kahit tulog ako ay ginigising mo ang alaga ko at pinipilit gamitin,” sabi ni Jude.

“Ayokong nabibitin. Mahirap sa pakiramdam!” nakangisngis namang sagot ni Tina.

“Ang inaalalala ko, baka magbuntis ka!” sabi ni Jude.

“Ayaw mo nun, magkakaanak na tayo!” masayang sabi ng babae.

“Alam mong may asawa ako at matalik mo siyang kaibigan!” nakamaang na sabi ng lalaki.

“Bakit, sa palagay mo ba ay magkakabalikan pa kayo? Kung may lalaki sa ibang bansa si Sally, may babae ka naman dito sa ‘Pinas at ako iyon! Paano kung mabuntis din si Sally ng lalaki niya sa Taipeil? Makakaya mo pa ba siyang tanggapin kung umuwi siya na may akay na anak sa ibang lalaki?” mabilis namang sagot ni Tina.

Hindi sumagot si Jude.

Nakasimangot.

Ipinagpatuloy na naman ni Tina ang pagluluto ng almusal..

Maya-maya’y naghain na siya …

Hindi magawang sumubo ni Jude …

Hindi naman siya busog pero tinatamad siyang kumain.

Wala siyang gana.

Alam ni Tina ang dahilan nito …

Lalo niyang inilayo ang isipan ng lalaki sa asawang si Sally. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply