KAPRTISO NG LAMAN (TATAPUSIN)

HINDI na nagpilit si Jason na ihatid si Sally sa inuuwian.

Pero bago niya iniwan ang babae, mahigpit niya itong kinamayan.

Naghiwalay sila na magkaibigan.

Tinungo na ni Jason ang kinapaparadahan ng kanyang kotse para umuwi na.

Naglakad na naman si Sally patungo sa Shongzan MRT Station …

Sasakay siya ng tren para umuwi na sa bagong tirahan niya.

Nang gabing iyon, payapang nakatulog si Sally.

Maluwag ang kalooban …

Hindi niya alam kung ano’ng buhay ang naghihintay sa kanya ngayon putol na ang ugnayan nila ni Jason pero handa niyang tanggapin.

Sa Pilipinas.

Naging kapuna-puna kay Tina ang pananamlay ni Jude.

Hindi ang pagkapagod sa seks ang nakikita niyang dahilan …

May malalim na dahilan at alam niya kung ano ito.

“Naiisip mo ba si Sally?” tanong ni Tina nang nag-aalmusal na sila.

“Asawa ko siya. Paano’ng hindi ko siya iisipin?” matamlay na sagot ni Jude.

“Mahal mo pa ba siya?”

“Para ano pa at dapat ko siyang mahalin kung may mahal na siyang iba?”

“Pero kung itutulot ng pagkakataon na makabalik siya sa iyo, tatanggapin mo pa ba siyang muli?”

“Kung nagbalik siya para sa akin, bakit hindi?” mabilis na sagot ni Jude.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Tina pero alam niyang mas masasaktan siya kapag nakikitang malungkot ang lalaki sa piling niya.

“Tutulungan kita na magkabalikan kayong dalawa!” sabi ng babae.

Biglang napatitig sa kanya si Jude.

“Kapag nagbalik na siya, paano ka?” tanong ng lalaki.

“Huwag mo akong intindihin. Ang importante, maging masaya ka dahil magiging masaya na rin ako,” nakangiting sagot ni Tina.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae ng araw na iyon, nag-overseas call siya kay Sally.

Nangungumusta sa kanila ni Jason.

Gulat si Tina sa nalaman.

Wala na raw sila ng binata at umalis na siya sa poder nito.

Si Sally naman ang nagtanong …

“Kumusta na kayo ng asawa ko?” tanong niya.

Bahaw na tumawa si Tina.

“Ano’ng klaseng tanong iyan? Pinalalabas mo bang may relasyon kami ni Jude?” tanong niya.

“Iyon ang info na ibinato sa akin ng caller na tumawag sa akin!” sagot ni Sally.

Siya ang caller na tinutukoy ng kaibigan pero wala itong kamalay-malay.

“May naninira lang sa iyo. Iba kasi ang ipinakakahulugan nila sa closeness namin ni Jude. Akala nila, kami na. Pero imposibleng mangyari iyon. Nililibang ko lang ang asawa mo dahil wala ka. Hindi kita magagawang taluhin. What friends are for kung aagawan kita ng asawa?” sabi ni Tina.

“Talaga?”

“Gaga! FYI, sabik na sabik na sa iyo ang asawa mo. Sabi nga niya sa akin, nagsisisi siya kung bakit naisipan kang paalisin,” sagot ng una.

May naramdamang lugod sa dibdib si Sally.

“Thank you, Tina. Kahit nakagawa ako ng pagkakamali at alam mo iyan pero iba ang tunay na asawa. Kabahagi na siya ng buhay ko kaya ang hirap niyang itapon,” sabi ng una.

“Huwag kang mag-alaala dahil hindi siya mawawala sa iyo. But be a good girl. Promise me!”: sagot naman ni Tina.

“I promise!”

Sa puntong ito na natapos ang kanilang pag-uusap.

Tumayo si Tina at pumasok sa kuwarto.

Inihanda ang kanyang mga gamit.

Pagbalik ni Jude, magpapaalam na siya sa iligal na relasyon nila ng lalaki.

Dahil sa kapritso ng laman, pare-pareho silang nakagawa ng kasalanan.

At habang may panahon pa, magandang ituwid na nila ang kanilang pagkakamali.

Dahil ito ang tama! (Isang labas na lang)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply