Karnaper tigok, 1 pa dakip sa engkwentro sa Pasay

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng carnapping-robbery-hold gang habang isa ang naaresto nang makaengkwentro ang mga tauhan ng District Anti-Carnapping, Southern Police District Office (DANCAR-SPDO) sa Pasay City kagabi (Mayo 11).

Sa report na natanggap ni SPDO District Director, Police Chief Supt. Donito C. Estipona, namatay noon din  ang suspek na si Fortunato Bien Lester Ranoy, 18, residente ng No. 54 Vizcarra St., Pasay City na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
.
Nadakip naman at nakakulong ngayon sa SPDO detention cell si Mark Anthony Flores, 33, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), residente ng No. 51 Narra St., ng nabanggit na lungsod.

Ang engkuwentro ay naganap dakong alas-8:30 ng gabai sa panulukan ng ng Protacio at Camia sts., Pasay City.

Nauna rito, nakataggap ng “tip” ang tanggapan ng DANCAR-SPDO na ang mga suspek ay magsasagawa ng pagnanakaw ng sasakyan sa Protacio St.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang mga pulis at nauwi sa barilan.

Matapos ang barilan ay nakita na lamang na duguan, nakabulagta at wala ng buhay ang isa sa mga suspek.

Sa naganap na insidente, dinakip si Flores at dinala sa tanggapan ng SPDO.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kulay pulang Chevrolet Captiva van (ZLP-132), Yamaha Nuvo (1998-PE), 12 gauge shot gun, kalibre .38 baril, mga bala, shabu at drug paraphernalia at driver license na nasa pangalang Rommel Canla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply