Karylle ayaw pang magpakasal!

PARANG engagement party ang nangyari sa presscon ni Karylle bilang unang endorser ng Miladay.

Inurirat tuloy siya kung binigyan na ba siya ng alahas ng rumored boyfriend niyang si Yael Yuzon ng Spongecola band?

“Wala, wala. Mag-ipon muna siya. Kailangan, one time-bigtime na lang ‘yon!” sagot ng singer-actress-TV host.

Wala pa ring diretsang pag-amin si Karylle sa tunay na relasyon nila ni Yael dahil natuto na raw siya sa nakaraan.

Natatawa rin si Karylle na baka sponsor-an ng Miladay ang engagement ring at wedding ring nila kung sakali.

Ready na ba siyang magpakasal kay Yael?

“Ay, hindi pa. Pero tumanggap ng singsing, oo! Wala namang nagsasabing kailangan ikasal ka kaagad, ‘no!

“42 months to pay. 42 months to wait! Ha! Ha! Sey pa niya.

Pero, naniniwala pa rin daw si K sa kasal kahit hindi naging matagumpay ang marriage ng parents niya.

Bukod sa pagiging endorser ng Miladay, excited rin si Karylle dahil sa nakuha niyang nominasyon sa 52nd Monte Carlo TV Festival (Hunyo 10-14 sa Monaco) para sa performance niya bilang Maddie Avilon sa The Kitchen Musical.

Forty five silang aktres na nominado bilang Outstanding Actress in a TV Series (Drama category). Golden Nymph ang tawag sa tropeo na mapapanalunan sa Monte Carlo TV Festival.

Umaasa ba siyang mananalo?

“Sabi nila, libreng mangarap. So, why not, ‘di ba?” sagot pa niya.

Tsuk!

-0o0-

INAMIN ng aktres na si Valerie Concepcion ilang linggo pa lamang ang nakakaraan na nag-propose na sa kanya ang basketball player-boyfriend na si Dondon Hontiveros pero sinabi ni Valerie na hindi pa s’ya handa.

Sinabi ni Valerie sa isang panayam na titignan na lang nila sa hinaharap kung doon ba papunta ang kanilang relasyon ngunit sa ngayon ay hindi pa niya ito iniisip.

“Bago kami nagkabalikan, ‘yun ang kinukulit niya sa akin, ‘yung kasal…Hindi pa ako ready,” say ng aktres.

Samantala, kung ayaw pa ni Valerie magpakasal, siya namang kabaligtaran ni Tol (Robin Padilla) sa TODA Max kung saan nag-guest si Valerie nu’ng Sabado. Napanonood ito pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

-0o0-

AYON sa bali-balita, ang dalawa sa main cast ng ‘Luv U’ ay humaharap sa matinding pagsubok sa kani-kanilang lovelife. Habang nagiging mas sweet ang mga ito sa kanilang love teams, ang personal na relasyon nina JB at Boom, na ginagampanan nina Marco Gamboa and CJ Navato sa kanilang mga girlfriends ay natapos na. Ang rason sa likod ng nangyaring hiwalayan diumano’y dahil sa selos.

Sa kabila nito, nakahahanap ng saya ang magkaibigang Marco at CJ sa kanilang barkada sa LUV U. Ayon kay Miles Ocampo, ang gumaganap bilang Camille sa palabas, “Lahat kami naging close dahil sa show, yung pagkakaibigan namin mas lalong tumatag.”

Ibig sabihin ba nito ay wala ng pipigil kay Marco at CJ na maging mas sweet at mas close pa sa kanilang partners?

Ang LUV U ay napanonood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

-0o0-

DINUDUMOG ngayon ang Klub Makisig sa bago nitong address, sa Roosevelt corner Quezon Avenue (beside Mercury Drug, Pantranco area). Paano nga ay may kamukha sina Xian Lim, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at marami pang iba. Sila ang mga lalaking handang tighawin ang init ng inyong magdamag.

Noong isang gabi ay dinayo ito ng ilang press people at nagkaisa ang mga ito sa pagsasabing puro mukhang artista ang mga nagtatanghal sa entablado. Magaganda ang katawan. Malalaki. Cute. May killer smile. Accomodating. At bukod doon, nagtataglay ng ‘jumbo hotdog.’

Go na, mga kafatid at tuklasin kung bakit ito dinarayo ng mga bading, kababaihan at pati ng mga tunay na lalaki. (Ows? Why naman teh? Hahahahahaha! – Ed) Siya nga pala, bukas ang Klub Makisig sa pagtanggap ng mga aplikanteng gustong maging macho dancer. Kung sa palagay ninyo ay gwapo at makisig kayo, contact 09089528891 or 09468847947.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply