Helper natusta nang buhay sa sunog sa Pasay

PATAY ang isang 22-anyos na helper nang matusta ang kalahati ng katawan nito makaraang makuryente habang naglilinis ng kisame ng pinaglilingkurang Penthouse store sa Pasay City, kahapon (Mayo 28).

Wala nang buhay ng matagpuan ang biktimang si John Rey Cutamura na nakasabit pa ang kalahati ng katawan sa kisame habang nakatuntong sa aluminyong hagdanan habang naglilinis ng kisame ng JSN Pethouse Store sa 26 Villa Cartimar dakong ala-1:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Leo Labrador ng Investigation Division ng Pasay police, inutusan umano ng may-ari ng naturang pethouse store na si Edgardo Nuque, 58 ang biktima na maglinis ng kisame sa ikalawang palapag ng kinukumpuning establisimyento.

Binitbit pa umano ni Cutamura ang aluminyong hagdanan upang maabot ang kisameng lilinisin subalit makaraan ang 30-minuto ay nakita na lamang ng mga kasamahan ang biktima na hindi na kumikilos at nakasabit ang kalahati ng katawan sa inakyat na kisame.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply